14 Mar 2017

Pagpapabuti ng Sektor ng Agrikultura


Ano nga ba ang AGRIKULTURA? 
Ang AGRIKULTURA ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng hayop at halaman
Ang AGRIKULTURA ay binubuo ng apat na subsector:

PAGHAHAYUPAN
PAGHAHALAMAN

PANGINGISDA

PAGGUGUBAT




 Kahalagahan ng AGRIKULTURA:
  • Pinagmumulan ng hilaw na materyal
  • Tagabili ng produkto ng Industriya
  • Nagkakaloob ng hanapbuhay
  • Pinanggagalingan ng Dolyar
Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura:
  • Mataas na gastusin ng magsasaka
 Malaking problema sa mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagtatanim. Ito ay dahil hindi naman sila nabibigyan ng sapat na sweldo, tapos tataas pa gastusin nila.
  •  Problema sa imprastruktura

Nagrereklamo ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng mga daan o yung tinatawag na "Farm-to-Market Roads.
  • Problema sa Kapital
Dahil sa problemang ito, ang mga magsasaka ay napipilitang umasa sa pautang. Sa kadahilanang sila ay mawawalan ng kapital, napipilitan silang umasa nalang.
  • Masamang panahon
Malaking banta sa sektor ng agrikultura ang pagkakaroon ng masamang panahon. Dahil dito, nasisira lahat ng pinaghirapang tanim ng ating magsasaka.
  • Maliit na pondo sa pananaliksik sa makabagong teknolohiya
Ito ay nagiging problema ng ma magsasaka dahil kung wala silang pondo sa pambili ng mga makabagong teknolohiya na makakapagpagaan ng kanilang trabaho, sila ay lubos na nahihirapan dahil sa kakulangan sa kagamitan. 
Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Agrikultura:
PAGPAPATAYO NG IMBAKAN, TULAY, AT KALSADA

PAGBIBIGAY IMPORMASYON AT PAGTUTURO SA MGA MAGSASAKA UKOL SA PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

PAGHIHIGPIT SA MGA DAYUHANG PRODUKTONG AGRIKULTURAL NA PUMASOK SA BANSA

PAGTATAKDA NG TAMANG PRESYO SA PRODUKTONG AGRIKULTURA

TUNAY NA PAGPAPATUPAD SA REPORMA SA LUPA

 
Batas ukol sa Reporma sa Lupa
  •  Batas Republika blg. 34 noong Panahon ng Republika
Pagsasaayos ng hatian ng lupa sa pagitan ng magsasaka at may ari ng lupa.
  •  Batas Republika blg. 55 noong Panahon ng Republika
Pagbibigay proteksyon sa di makatarungang pagpapaalis sa mga magsasaka
  • Batas Republika blg. 1199 ni Ramon Magsaysay
Nagbibigay ng seguridad sa pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka
  •  Batas republika6389 ni Ferdinand Marcos
Nagpapatibay sa posisyon ng mga magsasaka at pinapalawak ang sakop ng reporma agaryo
  • Executive Order no. 151
Pagsasama-samang operasyon ng maliliit at malalaking sakahan upang magkaroon ng malaking kapital sa pagpapatayo ng negosyo
Benepisyo ng mga nasabing Adbokasiya:
  • Nabibigyan ng mas mabuting kalagayan ang mga magsasaka
  • Napapabuti ang kanilang pamumuhay
  • Mas nagkakaroon ng proteksyon ang mga magsasaka
  • Napapabuti ang ekonomiya
  • Magkakaroon ang mga magsasaka ng sapat na kita upang mabuhay ang kaniyang sarili at pamilya.
References:
  • Google
  • Makising Ekonomiks 9
  • http://firstbloginsocial.blogspot.com/2013/02/problema-sa-agrikultura.html#comment-form